^

PSN Palaro

Roach pag-aaralan ang istilo ni Algieri

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkakamali si Chris Algieri kung iisipin niya na matutulad si Manny Pacquiao sa nangyari kay Ruslan Provodnikov kapag naganap ang kanilang tagisan sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

Sa panayam ng Bo­xingscene, sinabi ni Roach na ibang-iba ang Pambansang kamao sa alaga ring si  Provodnikov na lumasap ng split decision pagkatalo kay Algieri kahit napatumba niya ng dalawang beses sa first round at lumaban ng isang mata lang ang walang talong American boxer.

“Manny is a completely different fighter than Ruslan. He has a lot more experience. He’s much faster. Ruslan might be a little bit of a heavier hitter, but not nearly as quick. It’s night and day. They’re almost totally opposites,” pahayag ni Roach.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang WBO welter­weight title pero ang timbang ay nasa catch weight na 144-pounds dahil isang light welterweight si Algieri.

Naniniwala naman si Roach na matinding kalaban si Algieri at suportado ang sinabi ng challenger na mabigat ang kanyang mga jabs.

“Out of the options we have, he’s the best guy out there. He’s got a good jab, that’s it. We’ll expose (weakness) them, we’ll show you,” pahabol pa ng batikang trainer.

Isa sa mga unang pag-aaralan ni Roach ay kung paano pipigilan si Algieri sa kanyang istilo na patakbu-takbo sa ring.

Walong linggo ang ba­lak na gawin sa pagsasa­nay ng Pambansang ka­mao at ito ay gagawin sa bansa dahil magkapareho ang klima ng Pilipinas at Macau. (ATan)

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

ISA

ITATAYA

MACAU

PAMBANSANG

RUSLAN

RUSLAN PROVODNIKOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with