MANILA, Philippines - Kung ang mga record ang pagbabasehan, kumpiyansa si Manila Little League president Rafael Borromeo na maganda ang kampanya ng kanyang tropa sa darating na Big League Softball World Series na gaganapin sa Agosto 3-9 sa Lower Sussex Little League Complex, Roxana Delaware.
“Mas malakas ngayon kung mabubuo kami,” pahayag ni Borromeo hinggil sa estado ng koponan dahil apat sa kanyang players na sina Lovely Dyanne Arago, Cristy Joy Roa, Mary Anne Antolihao at Roxzel Pearl Miloban kasama ang assistant coach na si Jason Santos ang hindi pa tumutulak sa Delaware para makapag-ensayo dahil sa problemang teknikal ngayon ng US Embassy.
Hindi man pinalad noong 2013 ang Philippine Softball team, umaasang makikipagpatayan ulit ang grupo para mabawi uli ang kampeonato.
Huling nakopo ng bansa ang titulo noong 2012 edisyon sa Kalamazoo.
Ang koponang magbabandera sa Pilipinas na kakatawan sa Asia Pacific ay binubuo ng apat na beterano at 12 rookies mula sa University of the East, Adamson University, NU at University of Santo Tomas.