Let’s get it on!
May malaking surpresa raw si Floyd Mayweather Jr. sa kanyang mga fans para sa Mayo ng susunod na taon.
Agad-agad, binasa ito ng mga mahihilig sa boxing na tungkol ito sa laban niya kay Manny Pacquiao.
Gaano kaya katotoo ito?
Mahirap basahin ang utak ni Mayweather at kung minsan at mahirap paniwalaan ang kanyang mga sinasabi.
Madakdak at mayabang. Pero pag ayan na sa harap niya ang tunay na hamon ni Pacquiao ay di maubusan ng dahilan para ‘wag matuloy ang laban.
Kaya hanggang hindi niya sabihin ng diretsuhan na lalabanan na niya si Pacquiao ay hindi ako maniniwala sa mga haka-haka.
Ilang beses na nagkaroon ng negosasyon para sa laban nilang dalawa. Kaso wala naman kinalalabasan kaya tumanda na ang dalawang sikat na boksingero ay hindi pa rin sila naghaharap sa loob ng ring.
Tumanda na rin ang mga fans nila.
Isang sikat na boxing trainer, si Ronnie Shields, ang nagsalita nung isang araw.
Kung matukoy daw ang Mayweather vs Pacquiao next year ay hindi na ito kasing ganda at kasing exciting kesa kung naglaban sila nang mas maaga.
Sinabi ni Shields, na minsan nagsilbing trainer ni Mike Tyson at Evander Holyfield, na pareho nang nagka-edad si Mayweather at Pacquiao.
Magagaling pa rin naman daw pero mukhang pinipili na ang kalaban. Bumagal na nga raw kung panonoorin mo ng malapitan.
Tapos na raw ang kanilang kagalingan at kalakasan.
Kaya sana ay maglaban na sila sa lalong madaling panahon at ‘wag naman sana umabot sa 2016.
Kung puwede lang sana ay bukas na.
- Latest