MANILA, Philippines - Didiretso si Carlos Boozer sa Lakers matapos makuha ng Los Angeles ang winning bid para sa veteran forward na pinakawalan ng Chicago Bulls sa pamamagitan ng amnesty clause.
Ang bid ng Lakers ay ibabawas sa ibabayad ng Bulls, kinuha si Pau Gasol mula sa Lakers, kay Boozer para sa susunod na season.
Babayaran siya ng Chicago ng natitira sa kanyang $16.8 million contract.
Isang 12-year veteran, si Boozer ay nagtala ng mga averages na career-low 13.6 points at 8.3 rebounds per game noong nakaraang season para sa Bulls.
Ang kanyang career averages ay 16.6 points at 9.8 rebounds.
Pumirma naman si Ed Davis ng isang two-year deal sa Lakers at kasama rito ang isang player option para sa 2015-16.
Naglaro si Davis para sa Memphis Grizzlies noong nakaraang season at papalitan si Chris Kaman sa roster ng Los Angeles.
Lumagda si Kaman sa Portland Trail Blazers.
Mananatili naman si Kevin Love sa Minnesota Timberwolves sabi ni owner Glen Taylor.
Plano ni Love na subukan ang free agency kung tatapusin niya ang kanyang kontrata sa Timberwolves, hindi pa nakakapasok sa playoffs sa anim na seasons si Love.
Nag-iisip naman si Ray Allen ng Miami Heat na magretiro sa pagdating ng kanyang ika-39th birthday.