AirAsia magpapalakas pa vs Army
MANILA, Philippines - Matapos makansela ang semis game sa pagitan nila ng top-seed Generika-Army, naisip ng Air Asia na daan ito upang mas maging handa para sa muling pagtutuos sa 2014 Philippine Superliga All Filipino Conference.
“This is our maiden stint in the league and we want to leave an impression that despite having a young team, we can make an impact to the league,” ani AirAsia Erick Arejola.
Aminado naman si coach Ramil De Jesus, na hindi magiging madali ang laban kontra sa beteranong team na Generika-Army dahil sa malawak nitong experience sa liga.
“We know how formidable Generika is but coach Ramil is doing his level best to mold the team into a champion caliber,” dagdag pa ni Arejola.
“Given additional days to prepare, I hope I can give my players extra pointers,” ani pa De Jesus.
Sa pangunguna ni dating La Salle aces Aby Maraño, Stephanie Mercado at Michelle Gumabao, naungusan ng Flying Spikers ang V-League champion Cagayan Valley sa limang sets sa iskor na 16-25, 16-25, 25-16, 25-17 at 15-13 para kumpletuhin ang slot sa semis.
“Na-challenged kami doon sa first two sets na natalo kami. Naging eye-opener namin yun,” pahayag ni Maraño.
Ang panalo ay itinuring ni De Jesus na isang motibasyon para sa kanyang koponan ngunit pag-amin nito, mananalo sila sa pamamagitan ng suporta galing kina Micmic Laborte at Cha Cruz. (Merrowen Mendoza-trainee)
- Latest