^

PSN Palaro

Pacquiao lalahok sa PBA Rookie Draft

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Personal na magtutungo si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa PBA Office para sa pagdaraos ng dispersal draft sa Biyernes.

Wala pang nakaaalam kung dadalo lamang si Pacquiao bilang head coach ng Team Kia o dahil sa pagsusumite nito ng kanyang aplikasyon para sa 2014 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 19 sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Nauna nang sinabi ng 35-anyos at 5-foot-6 na si Pacquiao na pangarap niyang makapaglaro sa PBA.

Ngunit kung lalahok siya sa drafting ay posible siyang kunin ng iba pang PBA teams.

Maliban sa Team Kia, pipili rin sa dispersal draft ang expansion team na Blackwater Sports.

Ilan sa mga maaaring pag-agawan ng Team Kia at Blackwater Sports sa dispersal draft ay sina Alex Nuyles at Larry Rodriguez ng Rain or Shine, Ronnie Matias ng Grand Slam champions San Mig Coffee at two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso.

 

vuukle comment

AGOSTO

ALEX NUYLES

BLACKWATER SPORTS

GRAND SLAM

LARRY RODRIGUEZ

MOST VALUABLE PLAYER DANNY ILDEFONSO

PACQUIAO

RONNIE MATIAS

SAN MIG COFFEE

TEAM KIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with