^

PSN Palaro

Paul George kasama sa NBA selection kontra Gilas Pilipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng kanyang ika-68 kaarawan, muling sinorpresa ni Samahang Basketball ng Pilipinas president at business tycoon Manny Pangilinan ang mga Pinoy sa pagdating ni Indiana Pacers superstar Paul George para sa isang exhibition game sa pagitan ng Gilas Pilipinas at NBA players selection ngayong buwan.

Inanunsyo ni Pangilinan ang pagbabalik ni George sa bansa sa kanyang Twitter account (iamMVP).

Una nang nakapunta sa bansa si George nitong nakaraang taon para sa bibihirang NBA pre-season game sa pagita ng Pacers at Houston Rockets.

Kaugnay na balita: NBA Finals MVP Leonard makakalaban ang Gilas Pilipinas

Makakasama ni Georga sina LA Clippers' Blake Griffin, bagong lipat na si Paul Pierce ng Washington Wizards, Portland Trailblazers' Damian Lillard at Toronto Raptors' DeMar DeRozan.

Palalakasin pa ni 2014 NBA Finals MVP Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs ang kanilang koponan na tutulungan pa nina  free agent playmaker Kyle Lowry at Houston Rockets' 42nd pick ng 2014 NBA Draft na si Nick Johnson.

Gagawin ang “PLDTHome: The Last Home Stand All-Star Charity Event” sa Hulyo 22 at 23 sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang kikitain ng laro ay ibibigay sa Philippine Disaster Relief Foundation.

ALL-STAR PAUL GEORGE

BLAKE GRIFFIN

DAMIAN LILLARD

GILAS PILIPINAS

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PACERS

KAWHI LEONARD

KYLE LOWRY

LAST HOME STAND ALL-STAR CHARITY EVENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with