Tempra may pa-raffle sa dengue run

MANILA, Philippines - Mga premyong tulad ng LED television, mountain bike, android gadgets at marami pang iba ang ipamimigay sa raffle ng ikatlong Tempra Run Against Dengue sa Hulyo 20 (Linggo), 4 a. m., sa Cultural  Center of the Phi­lippines grounds.

Kailangan lamang mag­dala ng kahong wa­lang laman ng Tempra syrup o drops o 10 empty blister packs ng Tempra tablets para makakuha ng P50 discount at makasali sa raffle, kung saan ang mga iba pang premyo ay hotel accommodations, Star City GCs, Food GCs at movie passes.

Parte ng mga kikitain sa advocacy run na sinusuportahan ng Pasay City, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, Mortein Naturgard, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s, Vitwater, Banana Boat at Guard Insect Repellent, ay ipambibili ng iba’t ibang anti-dengue modalities na ipamamahagi sa mga day-care centers at barangay sa siyudad.

Maari lamang tawagan ang (landline) 504-5990, (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at Smart (0928-2618028) para sa karagdagang de­talye. Maari ring pumunta sa Toby’s Arena sa Glorietta 2 o sa Toby’s-SM Manila para magparehistro.

Apat na kategorya ang bumubuo sa fun run--10k (P500), 4k (P400), 2k (P350) at Family Run (P300 for each runner), kung saan ang magulang (o mga magulang) ay ta­takbo ng isang kilometro kasama ang kanyang anak or kanilang mga anak.

 

Show comments