ALMATY, Kazakhstan – Dalawang power-punching boxers ng PLDT-ABAP Team ang makikipaglaban para sa gold medal sa 4th President’s Cup.
Ito ay matapos makasama ni Rey Saludar si Charly Suarez sa championship round bukas dito sa Baluak Sholan Palace of Culture and Sports.
Tinalo ng 2010 Asian Games champion si London Olympian Ilyas Seleimenov ng host country via split decision, 29-28, 29-28 at 28-29, sa kanilang semifinals match.
Iniutos nina National coaches Nolito Velasco at Elmer Pamisa sa 26-anyos na Army man na magpakawala ng double left straights na tumama kay Suleimenov.
Ilang beses inireklamo ni Saludar ang Kazakhs fighter ng paniniko at headbutts.
Sa Finals ay makakatapat ni Saludar si Shahobiddin Zoirov, umakyat sa flyweight class mula sa light flyweight.
Dalawang beses natalo si Zoirov kay London Olympian Mark Anthony Barriga ng Panabo, Davao del Norte.
Makakatapat naman ni Suarez si veteran Berik Abdrahmanove.
Ang Kazakhs boxer ang kasalukuyang Asian champion.