Suarez pasok sa Finals

ALMATY, Kazakhstan, Philippines – Tinalo ni World Series of Boxing (WSB) standout Charly Suarez si Otdondalai ng Mongolia para umabante sa championship round ng President’s Cup dito sa Baluak Sholan Pa­lace of Culture and Sports.

Bagama’t pinalakpa­kan ng mga manonood ang dominasyon ni Suarez kay Otdondalai ay kinampihan naman ang Mongolian ng isang Kazakhs judge.

Sa kabila nito ay nakatanggap pa rin si Suarez ng mga iskor na 30-27 at 29-28 para sa tagumpay ng tubong Sawata, Davao del Norte.

Makakaagawan ni Sua­rez para sa gold medal ay si  Berik Abdrakhmanov ng Kazakhstan.

Samantala, pipilitin din ni Rey  Saludar na makapa­sok sa gold medal round sa pagharap kay Ilyas Suleimenov ng Kazakhstan sa kanilang semifinal match sa flyweight class.

Nagtabla sina Saludar at Suleimenov sa 1-1 sa kanilang dalawang beses na paghaharap.

 

Show comments