ALMATY, Kazakhstan -- Matapos si Charly Suarez ay si Rey Saludar naman ng PLDT-ABAP team ang nakapasok sa semifinal round ng 4th Kazakhstan President’s Cup.
Humirit si Saludar ng isang split decision win laban kay Jorge Luis Cordero Parlay ng Cuba sa mga iskor na 28-27, 28-27 & 27-28 pabor sa Philippine Army man.
Hindi nagulat si Saludar sa Cuban na nagpabagsak kay Thai star Chatchai Butdee sa second round patungo sa via unanimous decision.
Nakipagsabayan ang Asian champion kay Parlay na pinalakpakan ng mga manonood sa Baluak Sholan Palace of Culture and Sports.
Ayon kay Saludar, nagsilbing motibasyon niya ang kanyang siyam na buwang anak.
Samantala, sasagupain ni Saludar si Suleimenov ng Kazakhstan at makakatapat ni Suarez si Mongolian Otdondalai sa semifinals match.