2-sunod kay Suarez, Galvan bakasyon na
ALMATY, Kazakhstan – Umiskor si Charly Suarez ng panalo laban kay Jumsakbaev ng Kazakhstan para sa kanyang ikalawang sunod na panalo sa 4th Kazakhstan President’s Cup dito sa Baluan Sholak Palace of Culture and Sports.
Ito ang unang international stint ni Suarez matapos kumampanya para sa Milano Thunder sa World Series of Boxing noong Pebrero ng nakaraang taon.
Nabigo naman si Dennis Galvan kay Chinzorig ng Mongolian via unanimous decision.
Samantala, lalabanan ni 2010 Asian Games gold medalist at first day winner Rey Saludar si Cuban Jorge Vivas, ang American Continental champion.
Nagmula si Vivas sa isang knockdown win laban kay Thai Chatchai Butdee.
Sa light flyweight class, sasagupain ni Rogen Ladon, nakakuha ng bye si Erjan ng Kazakhstan sa quarterfinals.
- Latest