MANILA, Philippines - Magtutuos ang mga ipinagmamalaking manlalaro sa badminton sa SMART National Open Badminton Tournament mula Hulyo 14 hanggang 18 sa Powersmash Badminton Center sa Chino Roces Avenue, Makati City.
Hindi bababa sa 500 manlalaro ang inaasahang sasali sa kompetisyong itinataguyod ni Smart Telecommunication’s Chairman Manny V. Pangilinan.
Kasali rin ang mga kasapi ng national team katulad nina Antonino Toby Gadi, Peter Gabriel Magnaye, Joper Escueta, Paul Vivas, Gelita Castilo, Jayson Oba-ob, Ronel Estanislao at Michael Cudiamat.
May basbas ng Philippine Badminton Association, ang limang araw na torneo ay bahagi rin ng Philippine National Ranking System (PNRS).
Ang Bise Pangulo at presidente ng PBA na si Jejomar Binay ay sasamahan nina PBA secretary-general Congressman Albee Benitez at PBA chairman Pangilinan sa awarding ceremony.
Ang mga kategoryang paglalabanan ay ang men’s at women’s singles, men’s at women’s doubles at mixed doubles events.
Maisasagawa ang kompetisyon dahil na rin sa suporta ng MVP Sports Foundation, Smart Live More, Sun Cellular, Smash Philippines at Babolat.
Para sa ibang detalye ay maaaring tawagan si Yoly Araulo (09328740454) o si Ma. Judith Brosula (09998281648) o mag-email sa forthrightevents@gmail.com.