ATLANTA--Naplantsa na ang kasunduan ng Atlanta Hawks at ni small forward Thabo Sefolosha kung saan lumuwag ang salary cap ng koponan.
Nagkasundo ang Hawks at si Sefolosha para sa isang three-year, $12 million contract.
Nauna nang naiulat ang kasunduan sa The Oklahoman newspaper.
Ang pagkuha kay Sefolosha ng Hawks ay nangyari matapos magkaroon ang koponan ng sobrang $15 milyon sa kanilang salary cap space.
Ito ay makaraan nilang ibigay si guard Lou Williams at ang draft rights kay center Lucas Nogueira sa Toronto kapalit ni forward John Salmons.
Makakatipid ang Hawks ng halos $11.5 millyon kung babayaran nila ang $1 million buyout sa $7 million salary ni Salmons.
Nakatutok din ang Hawks kay Chicago Bulls free-agent forward Luol Deng.
Ang 6-foot-7 na si Sefolosha ay nagtala ng average na 6.3 points bilang starter sa 61 games noong nakaraang season para sa Oklahoma City.
Samantala, nakipagkasundo si free-agent seven-footer Spencer Hawes para sa four-year, $23 million contract sa Los Angeles Clippers.
Matapos mabigong makapasok sa playoffs sa lima sa kanyang pitong NBA seasons ay may pagkakataon ngayon si Hawes na makamit ang kanyang pangarap.
Makakasama niya sa Clippers sina All-Stars Chris Paul at Blake Griffin.