MANILA, Philippines - Umaatikabong sagupaan at bakbakan ang masasaksihan sa First Amateur Invitational Muaythai Championship Tournament sa susunod na buwan sa YMCA Human Energy Gym sa tapat ng Manila City Hall sa Ermita, Manila.
Ang event na inorganisa ni Master Instructor Barry Agpoon ay tinawag na ‘Battle of the Champions’ na lalahukan ng iba’t-ibang gym instructors sa Metro Manila pati na ng mga professional at non-professio-nal na Pinoy Kickboxing at Mixed Martial Arts sa bansa.
Makakatapat ni Chars Agpoon si Brian Mark, habang lalabanan ni Jonar Lagasca si Mateo Leo Anthony, makakasukatan ni Wester Rosales si Alvin Arceo at makakaharap ni Gerald de Jesus si Chilon Moreno.
Ayon kay Master Barry, layunin niya na mapatingkad pa ang kaalaman at kahalagaan ng pagiging bihasa sa martial arts para maipagtanggol ang kapwa at sarili sa oras ng pangangailangan laban sa mga masasamang elemento sa lipunan tulad ng mga magnanakaw, snatcher at holdaper.
Sa iba pang impormasyon sa sagupaan ay tawagan lamang si Master Barry sa 09208294302, 09225581352 at 09272013520.