Petron Blaze, AirAsia magpapasiklaban sa Cebu
Laro Ngayon
(USC gym, Cebu City)
4 pm Systema
vs Cignal (Men’s)
6 pmAirAsia vs Petron (Women’s)
MANILA, Philippines - Matapos maunsiyami ang hinangad na awtomatikong puwesto sa championship round, palalakasin ngayon ng Petron Lady Blaze Spikers ang paghahabol sa isa sa dalawang puwesto sa semifinals sa pagharap sa AirAsia Flying Spikers sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa University of San Carlos gym sa Cebu City.
Tiyak na mag-uumapaw ang palaruan ng mga manonood matapos ideklara ni PSL at Sports Core president Ramon ‘Tats’ Suzara na sold-out ang mga tickets na ibinenta para sa kauna-unahang out-of-town game ng liga na handog ng PLDT Home DSL.
“We did not expect this kind of reception from the PSL fans,” wika ni Suzara na balak ngayon na magdaos pa ng laro sa Cebu sa hinaharap.
Ang tagisan ng Lady Blaze Spikers at Flying Spikers ay siyang tampok na laro matapos ang pagtutuos ng Systema at Cignal sa men’s division sa ganap na alas-4 ng hapon.
Tubong Cebu sina Mike Abria, Emmanuel Luces, Kenboy Abunda at Joel Villonson ay mga Cebuano ng Cignal pero hindi pahuhuli ang suporta ng Systema dahil sa paglalaro ni Richard Gomez.
Nakita ng Petron na natapos ang tatlong sunod na panalo nang natalo sa straight sets sa two-conference champion Generika-Army Lady Troopers sa huling laro.
May 3-1 karta ang Lady Blaze Spikers at kailangan nilang manalo para manatiling nakaangat sa pitong koponang liga.
Ang paglasap ng ikalawang pagkatalo ay magreresulta sa four-way tie sa unang puwesto sa 4-2 baraha kasama ang AirAsia at mga pahingang koponan na RC Cola-Air Force Raiders at Lady Troopers. (AT)
- Latest