^

PSN Palaro

So tinabla ang paglalaro sa Pinas sa Chess Olympiad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang kontrata sa US team ang nagbabawal kay Super GM Wesley So para makasama siya sa Pambansang koponan na balak ipadala sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway.

Matatandaan na si So ay pinangalanan ni NCFP president Prospero Pichay para mapabilang sa limang Grandmasters na isasali sana sa prestihiyosong kompetisyon mula Agosto 1 hanggang 15.

Ayon kay NCFP exe­cutive director GM Jayson Gonzales, nagpadala ng opisyal na komunikasyon si So sa NCFP upang ipa­alam na hindi siya makakasalli dahil may kontrata siya sa US bilang coach ng kanilang koponan,.

“Yes, officially he decli­ned to play for the country because he has an existing contract with the US team,” pahayag ni Gonzales.

Wala namang kaso sa NCFP ang desisyong ito ng 20-anyos na GM dahil nauunawaan nila na live ang kontrata nito sa US team.

“We respect his decision. Ang gagawin lamang natin ay papalitan siya,” paliwanag pa ni Gonzales.

Ang 16-anyos IM na si Paolo Bersamina ang siyang sinisipat ng NCFP para ipalit sa puwesto ni So dahil ito ang pumangatlo sa  idinaos na Battle of the Grandmasters kamakailan at napagharian ng Asia’s first  GM at 62-anyos na si  Eugene Torre.

Bukod kina Torre at Ber­samina, ang nasa US na GMs na sina Julio Catalino Sadorra at Oliver Barbosa at ang puma­ngalawa sa Battle of the GM na si John Paul Gomez ang siyang kakatawan sa Pambansang koponan na magbabalak na pantayan o higitan ang seventh place pagtatapos na naitala ng Pilipinas noong 1988 sa Thessaloniki, Greece. (AT)

vuukle comment

BATTLE OF THE GRANDMASTERS

EUGENE TORRE

GONZALES

JAYSON GONZALES

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CATALINO SADORRA

OLIVER BARBOSA

PAMBANSANG

PAOLO BERSAMINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with