MANILA, Philippines - Walang ibang player na nasa isipan ang Globalport kundi si Fil-Am guard Stanley Pringle para sa kanilang top pick sa PBA Rookie Draft.
“He’s the only guy in our mind. Nobody else,” sabi ni Globalport official Erick Arejola.
Si Pringle ay sinasabing may mga katangian nina Jayson Castro at Sol Mercado.
Sinabi ni Rob Dulay, isang PBA veteran na naglaro para sa Singapore Slingers sa ABL, na maaaring si Pringle ang maging best point guard sa PBA.
Sinabi ni PBA operations chief Rickie Santos na nagsumite na ng kanyang aplikasyon sa draft ang Penn State alumnus, ngunit hindi pa nila nasusuri ang mga papeles nito.
“We’ve yet to talk to him, but Charlie Dy, who we believe is the one who represents him, said Pringle is joining the draft and he’s eligible,” ani Arejola sa pagpili ng Globalport, tinalo ang Meralco sa first pick sa pamamagitan ng lottery bago ang Game One ng Governors Cup finals noong Martes.
Samantala, dalawang individual awards ang maaaring mapasakamay ni 6-foot-10 sophomore center June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa iisang gabi.
Parehong pinangungunahan ni Fajardo ang labanan para sa 2014 PBA Most Valuable Player at sa Best Player of the Conference ng PBA Governors’ Cup.
Kumamada si Fajardo ng 37.6 statistical points mula sa kanyang mga career-highs na 16.7 points, 14.1 rebounds at 2.0 blocks sa 39th season ng PBA.
Hihirangin ngayong gabi ang kikilalanin bilang 2014 PBA MVP bago ang Game 2 ng PBA Governors’ Cup Finals.
Sa labanan para sa Best Import, ang mga kandidato ay sina Arizona Reid ng Rain or Shine, Marqus Blakely ng San Mig Coffee, Henry Walker ng Alaska at Paul Harris ng Talk ‘N Text (Russell Cadayona/Nelson Beltran)