^

PSN Palaro

PSL Super Liga All-Filipino conference, Blaze Spikers pupuwesto na sa finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itataya ng Petron Lady Blaze Spikers ang malinis na karta sa gaya nilang mainit na Generika-Army sa pagbabalik-laro ng 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayong hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

May 3-0 karta ang Blaze Spikers at hanap nilang magpatuloy ang ma­gandang ipinakikita para makamit ang unang upuan sa Finals.

Sa ganap na alas-2 ng hapon itinakda ang labanan at asahan ang matinding hamon na ipagkakaloob ng two-conference champion Lady Troopers na may tatlong sunod na panalo bago nagbakasyon ang liga sa huling dalawang linggo.

Itataya rin ng PLDT-Air Force ang limang dikit na panalo sa men’s division laban sa Cignal sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon bago sundan ng pagtutuos ng Systema at Via Mare sa alas-6.

Nasa panig ng Lady Troopers ang karanasan dahil mga beterano ang kanilang manlalaro sa pa­ng­unguna nina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga at  Tina Salak.

Ngunit problema ng koponan kung paano pipi­gilan ang mahusay na si Dindin Santiago na siyang nagdodomina sa ligang inorganisa ng Sports Score at handog ng PLDT Home DSL bukod sa suporta pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Ang 6’2 spiker ay nag­hahatid ng 30 puntos kada laro sa naunang tatlong asignatura para sa Petron.

“Siya ang anchor ng Petron at kailangan naming gumawa ng adjustments sa depensa para manalo,” wika ni Army coach Rico de Guzman. (ATan)

AIR FORCE

ALL-FILIPINO CONFERENCE

BLAZE SPIKERS

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

HEALTHWAY MEDICAL

ITATAYA

JINLING SPORTS EQUIPMENT

LADY TROOPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with