Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
10 a.m. EAC vs St. Benilde (Jrs/Srs.)
2 p.m. San Sebastian vs Jose Rizal (Srs./Jrs.)
MANILA, Philippines - Kumamada si Earl Scottie Thompson ng mga career-highs na 27 points at 16 rebounds para pagbidahan ang 91-57 paglampaso ng Perpetual Help laban sa Mapua sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagdagdag din ang 20-anyos na tubong Digos, Davao del Sur ng 6 assists, 2 steals at 2 shot blocks para sa unang panalo ng Altas.
Nagdagdag naman si guard Juneric Baloria ng 26 points.
Ang 34-point winning margin ng Perpetual ang pinakamalaking winning margin sa NCAA matapos ang 118-64 paggiba ng San Beda College sa Emilio Aguinaldo College noong 2011.
Umiskor naman sina Joseph Eriobu at Andrew Estrella ng 16 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Cardinals ni mentor Atoy Co.
Sa ikalawang laro, ipinoste rin ng Arellano University ang una nilang panalo matapos talunin ang Lyceum, 93-80.
Sa juniors’ division, iginupo ng Red Robins ang Altalettes, 83-40.
Perpetual Help 91 - Thompson 27, Baloria 26, Jolangcob 8, Dizon 6, Arboleda 6, Sadiwa 5, Bantayan 4, Dagangon 4, Tamayo 3, Alano 2, Gallardo 0, Lucente 0, Pido 0.
Mapua 57- Eriobu 16, Estrella 14, Cantos 6, Biteng 5, Isit 5, Saitanan 4, Serrano 3, Gabo 2, Villasenor 2, Canaynay 0, Tubiano 0, Layug 0, Galoso 0, Medina 0.
Quarterscores: 20-10; 39-26; 65-35; 91-55.
Arellano 93 - Pinto 20, Hernandez 16, Agovida 13, Nicholls 12, Holts 11, Jalalon 9, Bangga 6, Caperal 4, Salcedo 2, Gumaru 0, Ciriacruz 0, Palma 0, Enriquez 0, Cadavis 0
Lyceum 80 - Baltazar 15, Ko 15, Zamora 13, Bulawan 12, Maconocido 9, Sabayni 8, Soliman 5, Lesmoras 2, Malabanan 1, Elmejrab 0
Quarterscores: 16-21; 37-41; 65-58; 93-80.