Susubukan din ang free agent market Wade, Haslem ginaya si James

Ang nagdiwang na sina Dwyane Wade at Chris Bosh ng Miami Heat.

MIAMI -- Nagdesisyon na si Dwyane Wade, habang nag-iisip pa si Chris Bosh kung ano ang kanyang gagawin.

Sinabi ni Wade sa Mia­mi Heat na hindi na niya ta­tapusin ang huli niyang da­lawang taon sa kontrata na nagkakahalaga ng $42 millyon para maging isang free agent na nauna na ring naging desisyon ni LeBron James.

Inihayag rin ni Udonis Ha­slem sa Heat na hindi na niya tatanggapin ang na­titira niyang  $4.6 million option para sa susunod na season.

Ngunit tinitimbang pa ni Bosh ang kanyang opsyon, ayon sa kanyang agent na si Henry Thomas.

“Chris has not decided yet,” wika ni Thomas.

Ang naturang mga desisyon nina James, Wade at Haslem ay ikukunside­rang maganda para sa Heat.

Ang pag-alis ng tatlo ang magpapaluwag ng $45 milyon sa salary cap ng Miami na kanila sanang babayaran sa susunod na season.

Kung aalis rin si Bosh ay makakatipid ang Heat ng $66 milyon.

At posible ring ma­ka­pag-alok ng mas malala­king kontrata ang Miami para maibalik ang kanilang mga superstars.

“Today we were notified of Dwyane’s intention to opt-out of his contract and Udonis’ intention to not opt into his contract, making both players free agents,” sa­bi ni Heat president Pat Riley.

‘’We look forward to meeting with Dwyane and Udonis and their agent in the coming days to discuss our future together,” dagdag pa nito.

Si James ay tinatarget ng Los Angeles Clippers, Chicago Bulls, Houston Rockets at dati niyang ko­ponang Cleveland Cavaliers.

 

Show comments