^

PSN Palaro

Torre kampeon sa Battle of GMs

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa edad na 62 ay nag­karoon ng bagong kara­ngalan si Grandmaster Eugene Torre.

Mahusay na ginamit ng kauna-unahang GM sa Asia ang Torre  Attack na pinasikat ng Mexican GM na si  Carlos Torre Repetto para manalo kay 16-anyos IM  Paolo Bersamina matapos ang 57 sulungan sa pagtatapos ng 2014 Battle of the Grandmasters kahapon sa PSC Dining Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.

Sa pangyayari, si Torre na may apat na panalo, anim na tabla at isang stalemate sa 11 laro ay nakalikom ng nangungunang 23 puntos para kunin ang kanyang kauna-unahang titulo sa nasabing kompetisyon na inorganisa ng National Chess Federation Philippines  (NCFP).

“It’s been a while,” nakangiting wika ni Torre na noon pang 2002 huling kinilala bilang isang national champion.

Kapos ng kalahating pun­tos si GM John Paul Go­mez sa 22.5 puntos matapos makipagtabla kay IM Jan Emmanuel Garcia sa kanilang tagisan habang si Bersamina ang kumuha sa ikatlong puwesto sa 19.5 puntos.

Halagang P100,000.00 ang naibulsa ni Torre sa pagkapanalo sa kompetisyong pinangasiwaan ni NCFP executive director GM Jayson Gonzales at ang naabot ay naglagay sa kanya para maging kan­didato sa ipadadalang Pambansang koponan sa World Chess Olympian sa Tromso, Norway mula Agosto 1 hanggang 15.

Si WIM Catherine Pere­na ang nagkampeon sa kababaihan sa kanyang 25.5 puntos para maiuwi ang P30,000.00 unang gan­timpala.

 

BATTLE OF THE GRANDMASTERS

CARLOS TORRE REPETTO

CATHERINE PERE

DINING HALL

GRANDMASTER EUGENE TORRE

JAN EMMANUEL GARCIA

JAYSON GONZALES

JOHN PAUL GO

NATIONAL CHESS FEDERATION PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with