^

PSN Palaro

So itinumba ang Canadian GM, solo na sa itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ni GM Wesley So si Canadian GM Anton Kovalyov habang nauwi sa tabla ang laro ni Ukraine GM Vassily Ivanchuk at US GM Irina Krush para magkaroon ng pagbabago sa liderato sa 9th Edmonton Chess Festival sa Edmonton, Alberta, Canada kahapon.

Nagkaroon ng  dalawang pawn kalamangan si So sa laro nila ni Kovalyov upang makuha ang 59-move panalo gamit ang Catalan game.

May  5.5 puntos na si So papasok sa huling tat­long round at nakita ang sarili na nagsosolo sa itaas ng standings nang nabigo si Ivanchuk na mapangalagaan ang isang pawn na  kalamangan kay Krush.

Bumaba ang dating World Challenger na si Ivanchuk sa ikalawang puwesto tangan ang limang puntos.

Dahil sa magandang ipinakikita ng 20-anyos na si So, siya ngayon ay uma­ngat sa FIDE ranking sa 12 puwesto mula sa da­ting inokupahan na 14th puwesto.

Bitbit ng Filipino GM na nais na lumipat sa US, ang pinakamaganda sa career na 2754 ELO rating.

Kung maipagpatuloy ni So ang magandang ipinakikita at hiranging kampeon sa torneo, hindi malayong pumasok siya sa Top 10 sa FIDE ran­kings. (ATan)

ANTON KOVALYOV

BITBIT

BUMABA

EDMONTON CHESS FESTIVAL

IRINA KRUSH

IVANCHUK

VASSILY IVANCHUK

WESLEY SO

WORLD CHALLENGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with