Murray, Djoko wagi uli

WIMBLEDON--Dinomina ng nagdedepensang si Andy Murray si Blaz Rola, 6-1, 6-1, 6-0, sa second round para iposte ang kanyang pang-15 sunod na panalo sa All England Club.

Ito ay matapos ang kanyang kabiguan kay Roger Federer noong 2012 final.

Giniba ni Murray si Rola sa pamamagitan ng kanyang mga backhands, lobs at slices.

Susunod na makakalaban ni Murray sa third round si  Spanish 27th seed Roberto Bautista Agut.

Kagaya ni Murray ay naglista rin ng panalo si 2013 runner-up Novak Djokovic matapos talunin si Czech veteran Radek Stepanek, 6-4, 6-3, 6-7 (5), 7-6 (5).

Kinontrol ni Djokovic ang laro bago siya bigyan ng hamon ng 35-anyos na si Stepanek.

“On the one hand it was fun to be part of, but on the other I should not have complicated my life,” sabi ni Djokovic.

Naisuko naman ni 12th seed Ernests Gulbis ang 6-4, 6-3, 7-6 (5) kabiguan kay Sergiy Stakhovsky.

Sa women’s division, tinalo ni Bojana Jovanovski ng Serbia si eighth seed at dating world No.1 Victoria Azarenka, 6-3, 3-6, 7-5.

 

Show comments