^

PSN Palaro

James kursunada ng Houston

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May reputasyon si  Hou­s­ton Rockets GM Daryl Morey bilang agresibo sa NBA.

At hangad ni Morey na mahugot si LeBron James para palakasin ang Ro­ckets sa susunod na season.

Gumawa ng hakbang ang Rockets sa paghaha­bol kay James nang pu­mayag na i-trade si center Omer Asik bukod pa sa cash considerations sa New Orleans Pelicans para sa isang protected future first-round draft pick.

Ang naturang kasunduan ay hindi pa mapaplantsa hanggang sa pagtatapos ng Hulyo dahil sa patakaran sa collective bargaining agreement at salary cap issues.

Ipinabatid na ni James sa Miami Heat na hindi na niya ilalaro ang huli niyang dalawang taon at mas piniling maging isang free agent simula sa Hulyo 1.

Ginawa rin ito ni Carmelo  Anthony sa New York Knicks na nangangahulugan na maaaring kunin ang dalawang dynamic players sa free agency market.

Gusto naman ni  Morey, ang kanyang Rockets ay sinibak ng Portland Trail Blazers sa first round ng NBA playoffs, na magdala ng superstar sa Houston para makatuwang nina James Harden at Dwight Howard.

Para gawin ito ay ipina­migay ni Morey si Asik, nauna nang humiling na i-trade siya noong nakaraang season matapos kunin ni Howard ang kanyang starting spot, para mapaluwag ang kanilang salary cap.

Marami ang umaasang ma­nanatili si James sa Miami kung saan plano ni Pat Riley na palakasin ang koponang nanalo ng dalawang sunod na NBA championships at nakapasok sa apat na sunod na NBA Finals.

 

DARYL MOREY

DWIGHT HOWARD

HULYO

JAMES HARDEN

MIAMI HEAT

MOREY

NEW ORLEANS PELICANS

NEW YORK KNICKS

OMER ASIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with