MANILA, Philippines - Naipagpatuloy nina Johann Chua, Raymond Faraon at Elmer Haya ang magandang ipinakita sa Group stages nang naalpasan ang unang laro sa Knockout round ng World 9-Ball Championship kahapon sa Al Saad Sports Club sa Doha, Qatar.
Si Chua na tulad nina Faraon at Haya ay nanggaling sa winner’s group, ay kinalos si Daniele Corrieri ng Italy, 11-4 habang si Faraon ay nanalo kay Liu Cheng Chieh ng Chinese Taipei, 11-5.
Nangibabaw naman si Haya sa kababayang si Francisco Felicilda, 11-4.
Ang tatlong panalong ito ang nagpakinang sa di magandang panimula ng 11 Filipino cue-artists na umabante dahil ang mga tinitingala na sina Lee Vann Corteza at Warren Kiamco ay namaalam na.
Parehong lumusot mula sa loser’s bracket, si Corteza ay natuluyan sa kamay ng di kilalang si Waleed Majeed ng host Qatar, 11-6, habang si Kiamco ay nalaglag kay Wang Can ng China, 11-9.
Ang iba pang kumaÂkampanya sa Last 64 ay sina Antonio Gabica, Dennis Orcollo, Carlo Biado, Jeffrey De Luna at Ramil Gallego.
Kalaban ng pumaÂngalawa noong 2013 na si Gabica si Medhi Rasekhi ng Iran, si Orcollo ay kaÂtapat si Naoyuki Ohi ng Japan, si Biado ay mapaÂpalaban kay Mieszkoo Fortunski ng Poland, si De Luna ay masusukat kay Jason Klatt ng Canada at si Gallego ay mapapalaban kay Ralf Souquet ng Germany.
Ang aksyon sa Last 32, Last 16 at Last 8 ay gagawin ngayon habang ang semifinals at finals ay paglalabanan bukas.
Naunang namaalam sa Group stages sina Efren “Bata†Reyes, Elvis Calasang at Israel Rota.
Hindi napangalagaan ng1999 champion na si Reyes ang 5-4 kalamaÂngan para isuko ang 9-8 pagkatalo kay Karl Boyes.