MANILA, Philippines - Pangungunahan ng mga manlalarong pumaÂngalawa sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championship ang koponan na magsasanay sa Miami, Florida bilang paghahanda para sa pagÂlahok sa FIBA World Cup sa Spain.
Sina Japeth Aguilar, Jimmy Alapag, Jeffrey Chan, Gary David, Ranidel De Ocampo, June Mar FajarÂdo, Larry Fonacier, Gabe Norwood, Marc Pingris, LA Tenorio, Jayson Williams at Marcus Douthit ang tinapik ni Reyes para sa pagsasanay na gagawin mula HulÂyo 25 hanggang Agosto 8.
Ang ikalawang naturaÂlized player na si Andray Maurice Blatche ay kasama rin bukod pa sa mga bagong hugot sa koponan na sina Jared Dillinger at Paul Lee.
Ang reserve player sa Gilas na si Beau Belga ay kabilang din sa delegasyon.
Makakatulong ni Reyes bilang kanyang mga assistant coaches ay sina Norman Black, Ryan Gregorio, Raoul Cesar (Nash) Racela, Joshua Vincent Reyes at Joseph Enrique Uichico habang sina SeveÂrino Alberto Antonio (project director), Salvador Antonio Castro (team manager), Jomar Dexter Aseron (physio threrapist), Rolly Arguelles (utiÂlity) at Rogelio Tulabot (utility) ang kukumpleto sa 27-man delegation.
Lalabas na sa hanay ng mga manlalarong ito magmumula ang Final 12 na isasabak sa FIBA World Cup na kung saan ang misyon na iniatang sa koponan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan ay ang makausad ang Gilas sa knockout round.
Ang FIBA World Cup ay nakatakda mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14 at ang Pilipinas ay nasa Group B kasama ang Argentina, Senegal, Puerto Rico, Greece at Croatia.
Kailangang manalo ng dalawa ang Gilas para pumasok sa Last 16 sa prestihiyosong kompetisyon sa basketball.