^

PSN Palaro

Gilas magsasanay sa Miami kasama na si Blatche

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng mga manlalarong puma­ngalawa sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championship ang koponan na magsasanay sa Miami, Florida bilang paghahanda para sa pag­lahok sa FIBA World Cup sa Spain.

Sina Japeth Aguilar, Jimmy Alapag, Jeffrey Chan, Gary David, Ranidel De Ocampo, June Mar Fajar­do, Larry Fonacier, Gabe Norwood, Marc Pingris, LA Tenorio, Jayson Williams at Marcus Douthit ang tinapik ni Reyes para sa pagsasanay na gagawin mula Hul­yo 25 hanggang Agosto 8.

Ang ikalawang natura­lized player na si Andray Maurice Blatche ay kasama rin bukod pa sa mga bagong hugot sa koponan  na sina Jared Dillinger at Paul Lee.

Ang reserve player sa  Gilas na si Beau Belga ay kabilang din sa delegasyon.

Makakatulong ni Reyes bilang kanyang mga assistant coaches ay sina Norman Black, Ryan Gregorio, Raoul Cesar (Nash) Racela, Joshua Vincent Reyes at Joseph Enrique Uichico habang sina Seve­rino Alberto Antonio (project director), Salvador Antonio Castro (team manager), Jomar Dexter Aseron (physio threrapist), Rolly Arguelles (uti­lity) at Rogelio Tulabot (utility) ang kukumpleto sa 27-man delegation.

Lalabas na sa hanay ng mga manlalarong ito magmumula ang Final 12 na isasabak sa FIBA World Cup na kung saan ang misyon na iniatang sa koponan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan ay ang makausad ang Gilas sa knockout round.

Ang FIBA World Cup ay nakatakda mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14 at ang Pilipinas ay nasa Group B kasama ang Argentina, Senegal, Puerto Rico, Greece at Croatia. 

Kailangang manalo ng dalawa ang Gilas para pumasok sa Last 16 sa prestihiyosong kompetisyon sa basketball.

AGOSTO

ALBERTO ANTONIO

ANDRAY MAURICE BLATCHE

ASIA MEN

BEAU BELGA

GABE NORWOOD

GARY DAVID

GROUP B

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with