MANILA, Philippines - Nakikita ni SamaÂhang Basketbol ng PiliÂpiÂnas (SBP) president Manny V. Pangilinan na lalaban nang husto ang mga koponan na kakatawan sa Pilipinas sa FIBA 3x3 World Tour-Asia Pacific leg sa Fashion Hall ng SM Megamall sa susunod na buwan.
Aminado si Pangilinan na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang asahan dahil hindi pa niya batid ang lakas ng mga maÂkakalaban ng bansa sa kompetisyong gagawin mula Hulyo 19 at 20.
“Hindi ko alam ang chance natin. Hindi ko alam ano teams ng ibang bansa kung mahuhusay ba o malalakas. Di pa rin sarado ang team composition natin,†wika ni Pangilinan matapos ang pormal na paglulunsad ng kompetisÂyon kahapon sa Atrium ng SM Megamall.
May 12 koponan ang sasali sa kompetisyon na una sa anim na qualifiers para madetermina ang mga maglalaro sa World Tour Final sa Tokyo, Japan mula Oktubre 11 at 12.
Kasama sa pagpupulong sina FIBA 3x3 Events manager Ignacio Soriano ng Spain at mga SBP officials na sina Ricky Vargas, Al Panlilio, Sonny Barrios, TV5 Sports head Chot Reyes, Smart Sports head Chris Quimpo at SM AVP for Operations Christian Ian Mathay.
Dahil sa mainit na pagÂÂtanggap sa basketball kaya’t ang host country ay binibigyan na ng apat na koÂponan para sa torneo.
Isa sa isasali ay ang nagkampeon sa National U-18 3x3 na Naga City habang ang pangalawang koponan ay maaaring kataÂwanin nina Kobe Paras, Thirdy Ravena, Alvin Tolentino at Prince Rivero na nakalaro sa FIBA World 3x3 noong nakaraang taon.
Ang huling dalawang koponan ay maaaring katawanin ng PBA player dahil hindi puwedeng isali ang mga kasapi ng Gilas national team dahil lalaro sila sa FIBA Asia Cup sa Wuhan, China.
Sina Flores at Eric AltaÂmirano ang siyang tumutulong sa SBP sa paghaÂhanap at pagbubuo ng PBA players na kasama ng dalawang iba pang koÂponan ay makikipaglaban sa mga ilalahok ng Indonesia, Qatar, New Zealand, C-Taipei at Japan. (ATan)