MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ni ReÂÂnan “Little Pacquiao†Trongco ang mapanatiling suot ang WBC International flyweight title sa pagsukat kay Weiljan Ugbaniel ng Japan na gagawin sa HunÂyo 28 sa The Flash Grand Ballroom sa Elorde Sports Complex, Parañaque City.
Unang pagdepensa ito ng 25-anyos na si Trongco sa titulo na napanalunan noong nakaraang taon sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Wang Xin Hua ng China
Bitbit ng tubong Palawan na si Trongco ang 14 panalo sa 18 laban kasama ang walong KOs at may dalawang dikit na panalo ito papasok sa laban.
Ang dalawang dikit na panalo ay pambawi ni Trongco matapos lumasap ng unanimous decision pagkatalo sa kamay ni IBO minimumweight division champion Hekkie Budler ng South Africa noong PebÂrero 16, 2013.
Si Ugbaniel ay tubong Sarangani Province ay may 12 panalo sa 15 laban.
Tulad ni Trongco ay naipanalo rin ni Ugbaniel ang huling dalawang laban kasama ang unanimous decision win sa sixth rounds laban kay Rogen Flores noong Pebrero 22.
Hindi na rin bago para kay Ugbaniel ang lumaban para sa titulo dahil pinagtangkaan na niya minsan ang WBC Youth Intercontinental super flyweight title pero minalas nauwi sa split draw ang laban kontra kay Gabriel Altarejos.