SAO PAOLO, Brazil--Nakuha ng Colombia ang kanilang laro sa second half para manaig sa Ivory Coast, 2-1, sa FIFA World Cup kahapon dito.
Ang header ni James Rodriquez sa 64th minute ang siyang unang goal ng laro bago nakaiskor si Juan Quintero sa 70th minute.
Ito ang ikalawang goal ni Rodriquez sa kompetisÂyon dahil nakaisa rin siya sa 3-0 panalo sa Greece.
Ang tagumpay sa Greece ang kauna-unaÂhang panalo na naitala sa World Cup ng Colombia at ang pangalawang panalo ang nagtiyak na halos ng pag-abante sa knockout stage mula sa Group C.
Umabot sa 68,748 ang nanood ng laro at karamihan nito ay sumuporta sa Colombia na hindi pinaniwalaan na makakapagtala ng magandang laro sa kompetisyon dahil wala ang pangunahing striker na si Radamel Falcao dahil sa knee injury noong Enero.
“So many people rooÂting for you, it was extraordinary,†wika ni Rodriquez. “It was very loud and it was in our favor so that Colombia could win.â€
Nauwi sa 0-0 draw ang pagkikita ng Japan at Greece sa isa pang laro sa Group C habang ang Uruguay ay sumipa ng 2-1 panalo sa England sa laro sa Group D.
Si Luis Suarez ang siyang umako sa lahat ng goals ng Uruguay para makatikim ng unang paÂnalo matapos ang dalawang laro sa Group D.
Ang kuwestiyon kung maayos ang kalusugan ni Suarez ay nasagot agad nang ibigay niya ang unang goal sa laro sa 39th minute.
Sa 75th minute tumabla ang England sa pamamaÂgitan ni Wayne Rooney na nasegundahan ang cross ni Glen Johnson.
Pero may suwerteng kumapit sa Uruguay dahil napunta kay Suarez ang bola sa isang loose ball play para sa ikalawang goal ng laro.
Huling laro ng Uruguay ay laban sa Italy para maÂdetermina kung sino ang uusad sa susunod na round.