^

PSN Palaro

Colombia lusot sa Ivory Coast, Suarez nagbida sa panalo ng Uruguay vs England

Pilipino Star Ngayon

SAO PAOLO, Brazil--Nakuha ng Colombia ang kanilang laro sa second half para manaig sa Ivory Coast, 2-1, sa FIFA World Cup kahapon dito.

Ang header ni James Rodriquez sa 64th minute ang siyang unang goal ng laro bago nakaiskor si Juan Quintero sa 70th minute.

Ito ang ikalawang goal ni Rodriquez sa kompetis­yon dahil nakaisa rin siya sa 3-0 panalo sa Greece.

Ang tagumpay sa Greece ang kauna-una­hang panalo na naitala sa World Cup ng Colombia at ang pangalawang panalo ang nagtiyak na halos ng pag-abante sa knockout stage mula sa Group C.

Umabot sa 68,748 ang nanood ng laro at karamihan nito ay sumuporta sa Colombia na hindi pinaniwalaan na makakapagtala ng magandang laro sa kompetisyon dahil wala ang pangunahing striker na si Radamel Falcao dahil sa knee injury noong Enero.

“So many people roo­ting for you, it was extraordinary,” wika ni Rodriquez. “It was very loud and it was in our favor so that Colombia could win.”

Nauwi sa 0-0 draw ang pagkikita ng Japan at Greece sa isa pang laro sa Group C habang ang Uruguay ay sumipa ng 2-1 panalo sa England sa laro sa Group D.

Si Luis Suarez ang siyang umako sa lahat ng goals ng Uruguay para makatikim ng unang pa­nalo matapos ang dalawang laro sa Group D.

Ang kuwestiyon kung maayos ang kalusugan ni Suarez ay nasagot agad nang ibigay niya ang unang goal sa laro sa 39th minute.

Sa 75th minute tumabla ang England sa pamama­gitan ni Wayne Rooney na nasegundahan ang cross ni Glen Johnson.

Pero may suwerteng kumapit sa Uruguay dahil napunta kay Suarez ang bola sa isang loose ball play para sa ikalawang goal ng laro.

Huling laro ng Uruguay ay laban sa Italy para ma­determina kung sino ang uusad sa susunod na round.

GLEN JOHNSON

GROUP C

GROUP D

IVORY COAST

JAMES RODRIQUEZ

JUAN QUINTERO

LARO

RADAMEL FALCAO

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with