MANILA, Philippines - Nakatakdang ilahad ng Top Rank Promotions kay Manny Pacquiao sa susunod na buwan ang listahan ng mga posible nitong labanan sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Idinagdag sa naturang listahan ang bagong World Boxing Organization (WBO) light welterweight king na si Chris Algieri.
Sinabi ni Top Rank Promotions vice-president of boÂxing operations Carl Moretti na ang ipinakitang katapangan ni Algieri sa kanyang split decision win kay dating WBO light welterweight ruler Ruslan Provodnikov noong Linggo ay sapat na para maidagdag siya sa listahan.
“The key with Algieri is how he got up from the two knockdowns and overcame the shut eye,†wika ni Moretti. “It added to the drama. His performance and his story put him in the sweepstakes of getting a Pacquiao fight in November. He’ll be on the list.â€
Sa kabila ng pagbagsak ng dalawang beses sa first round at pagsasara ng kaliwang mata ay hindi pa rin sumuko si Algieri sa kanilang upakan ni Provodnikov patungo sa split decision win noong Linggo sa Barclays Center sa Brooklyn.
“We haven’t seen that style with Manny, so, that is intriguing because you’re talking about a guy who is on the outside and has a long jab and a long reach,†wika ni Moretti sa pagkukumpara sa 5-foot-6 na si Pacquiao at sa 5’11 na si Algieri.
“That’s one of the things Manny will speak with Freddie about, but make no mistake, he’s definitely in consideÂration,†dagdag pa ng Top Rank official.
Ayon sa 30-anyos na si Algieri, handa niyang labanan ang 35-anyos na si Pacquiao, ang WBO welterweight king, alinman sa light welterweight o welterweight division.
“The sky’s the limit from here,†sabi ni Algieri. “It will be interesting to see where everything is going to fall.â€
Bukod kay Algieri, nasa listahan din para makatapat ng 5’6 na si Pacquiao si Juan Manuel Marquez.