Sinuspindi ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P40,000 na buwanang allowance ni WesÂley So makaraang magdesisyon ito na maglaro para sa US Chess Federation sa halip na sa Pambansang koÂpoÂnan ng Pilipinas.
Magkahalo at napakarami ang reaksiyon sa ginaÂwang ito ng Filipino Grandmaster at world No. 15 na si So.
May nagsasabi na mali ang ginawa ng 20-taong gulang na si So dahil ito ay isang pagta-traydor sa bayan. Ayon sa ilan, para raw ipinagpalit ni So ang karangalan bilang Pilipino kapalit ng pagkakataong maitaas pa ang sarili sa larangan ng chess.
May mga nagsasabi rin naman na tama lamang ang ginawa ni So dahil hindi nga naman maibigay ng Pilipinas ang kanyang pangangailangan bilang atleta, at sa pangarap niyang makapasok sa Top 10 chess players ng daigdig.
Anupaman, kung si So ay lilipat sa US Chess FeÂderation kinakailangan pa rin niyang humingi ng permiso sa National Chess Federation of the Philippines o magbayad ng P3 milyon. Sa pag-aanalisa natin, tila mahihirapan si So na hingin ang permiso ng NCFP. Sinabi na ni Prospero Pichay na hindi siya “bibigay†sa gusto ni So na magpalit ng pederasyon.
Ang isang opsyon ni So ay ang tumambay muna ng dalawang taon bilang waiting period sa mga chess players na nagpalit ng pederasyon. Ibig sabihin hindi makakasali si So sa mga FIDE-sanctioned tournament kasama na ang World Chess Olympics.
At ito ang bagay na hindi kayang isugal ni So. Kaya nga siya lilipat ng pederasyon ay upang mapaÂsama sa top 10 world chess players.
Hindi ko sisipatin o titimbangin kung tama o mali ang ginawa ni So. Desisyon niya ang anumang gaÂgawin niya sa mga susunod na araw.
Gayunman, ang naturang pangyayari, kung tutuusin ay isang “panggulantang†sa ating mga sports officials.
Bakit pa kinakailangang magpalit ng pederasÂyon ng isang atleta o manlalaro ng bansa upang makakuha lamang ng kinakailangang suporta. Ibig sabihin nito, kulang ang suportang ibinibigay ng ating gobyerno sa mga atleta.
Isipin na natin na ang isang katulad ni So (maitutuÂring na elite chess player) na sa sobrang pagkadismaya sa kawalan ng suporta ay nangailangang lumipat ng peÂderasyon para lamang iangat ang sarili sa kompetisyon.
Kinakailangan ng PSC at ng NCFP na irebisa kung saan napupunta ang pondo ng atleta. Kailangan pa bang maglipatan sa ibang pederasyon o ibang bansa ang mga atleta para magising sa katotohanan ang ating mga sports officials.