MANILA, Philippines - Nakatakdang katawanin ni Gerard Datu, isang dating Don Bosco Makati jin, ang SMART national team para sa 5th World Para-Taekwondo Championships sa Hunyo 21-22 sa Moscow, Russia.
Ito ang ikalawang pagkakataon sa nakaraang limang taon na sasabak si Datu sa nasabing taekÂwondo paralympic event.
Nag-uwi siya ng bronze medal sa 1st Para-Taekwondo event noong 2009 sa Baku, Azerbaijan.
Kumpiyansa si Datu, ngayon ay isang taekwondo instructor sa Fulbright Science School, na makakapag-uwi siya ng medalya sa torneong inorgaÂnisa ng World Taekwondo Federation.
Itatampok sa Para-Taekwondo event ang male at female athletes na lalahok sa kyorugi (sparring) at poomÂsae (forms).
Ayon kay Philippine Taekwondo Association, ang partisipasyon ni Datu ay suportado ng MVP Sports Foundation, SMART Communications Inc., PLDT, TV5 at ng Philippine Sports Commission.