MANILA, Philippines - Habang ininguso ang four-time champion San Beda bilang paborito sa Season 90 NCAA men’s basketball ay hindi naman nagpapadehado ang siyam na iba pang koponan lalo na kung ang pagpasok sa Final Four ang pag-uÂusapan.
Sa paglulunsad ng pinakamatandang collegiate league sa bansa kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, ang siyam na naiiwang koponan ang naniniwalang maganda ang kani-kanilang tsansa na makuha ang huling tatlong puwesto sa Final Four.
Sina Aric Del Rosario ng Perpetual Help at ang mga assistant coaches na sina Ronjay Enrile ng Letran at Raymund Valenzona ng San Sebastian ay palaban pa rin para umabante sa playoffs sa ikatlong sunod na taon kahit nabawasan ng puwersa.
Maglalaro na lamang ng All-Filipino ngayon ang Altas dahil tapos na ang playing year ni Noosa Omorogbe pero nakikita ni Del Rosario na isa pa rin sila na babandera sa liga.
Ang mga coaches ng koponan na hindi umabante noong Season 89 na sina Gabby Velasco ng St. Benilde, Gerry Esplana ng Emilio Aguinaldo College, Fortunato ‘Atoy’ Co ng Mapua, Bonnie Tan ng Lyceum, Jerry Codiñera ng Arellano at Vergel MeÂneses ng host Jose Rizal University ay ginawa rin ang lahat ng dapat gawin para mas maging palaban sa taong ito.
Si Codiñera ang siyang rookie coach sa liga pero hindi pahuhuli ang kanyang bataan na kanyang hinubog mula pa noong Disyembre.
Sa Hunyo 28 magbubukas ang liga sa MOA at sinigurado ni Policy Board president Dr. Vincent Fabella ng JRU na masisiyahan ang mga manonood dahil sa kakaibang pagtatanghal sa opening at ang mga kaganapan sa unang araw ay ipalalabas ng live sa TV5 at Aksyon TV.