Texters binulilyaso ang pagpasok ng Kings sa Top 4
MANILA, Philippines - Tuluyan nang inangkin ng Talk ‘N Text ang No. 1 berth sa quarterfinal round kasabay ng paghuhulog sa Barangay Ginebra sa Top Four.
Humakot si import Paul Harris ng 31 points, tampok dito ang 13-of-14 shooting sa free throw line, at 16 rebounds para igiya ang Tropang Texters sa 96-92 panalo kontra sa Gin Kings sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Paul Harris once again came up big in the end for us,†ani coach Norman Black.
Itinaas ng Talk ‘N Text ang kanilang kartada sa 7-2 kasunod ang nagdedepensang San Mig Coffee (5-3), Rain or Shine (5-3), Ginebra (5-4), Alaska, (5-4), Barako Bull (3-6) at mga sibak nang Meralco (3-6) at Globalport (1-8).
Makakasagupa ng No. 1 Texters ang No. 8 Energy Cola sa quarterfinals, habang ang puwestuhan sa ibang posisyon ay reresolbahin via quotient system.
Ang Top Four teams ang mabibigyan ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarters.
Matapos tumabla ang Ginebra sa 83-83 sa 2:05 ng fourth quarter ay kumaÂmada sina Harris, Jayson Castro ng maikling 7-0 atake para iposte ang 90-83 bentahe sa huling 35.0 segundo.
Sa unang laro, dumiretso ang Alaska sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos talunin ang Barako Bull, 90-87.
Nagsalpak si JVee Casio ng dalawang three-pointers para ibigay sa Aces ang 88-75 abante sa huling minuto ng final canto bago ito naputol ng Energy Cola sa tatlo.
Kung mananalo ang Elasto Painters sa Mixers ngayong alas-8 ng gabi ay maaaring makuha ng Aces ang No. 4 seat at ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarters.
- Latest