MANILA, Philippines - Sino sa apat na naglaÂlabang koponan ang magtutuos para sa UNTV Cup Season 2 title?
Ang kasagutan sa katanungang ito ay malalaman matapos ang dalawang knockout games ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Unang laro sa ganap na alas-2:30 ng hapon ay sa pagitan ng nagdedepensang kampeon Judiciary Magis kontra sa AFP Cavaliers bago sundan ng mainit ding tagisan ng PNP ResÂponders at MMDA Black Wolves sa alas-4.
Taglay ng Magis at ResÂponÂders ang twice-to-beat advantage upang magkaroon pa ng isang pagkakataon para maitakda ang ikalawang sunod na pagkikita sa championship series ng liga.
Sasandal ang Judiciary at PNP sa kanilang championship experience ngunit hindi pahuhuli ang Cavaliers at Black Wolves na pilit na sasandalan ang 75-67 at 88-79 panalo na naiposte sa pagbubukas ng semifinals noong nakaÂraang Linggo.
Ang beteranong si Eugene Tan ang magsisiÂkap na magbigay ng direksyon sa laro ng AFP upang maÂipaghiganti rin ang pagkatalo sa Judiciary sa Final Four noong nakaraang taon.
Si Don Camaso at John Hall na nagsama sa 33 puntos sa unang tagisan, ang aasahan uli pero dapat na gumana ang mga kamay ni Ariel Capus para lumakas ang hangaring maidepensa pa ang hawak na titulo.