^

PSN Palaro

4-teams agawan sa puwesto sa Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sino sa apat na nagla­labang koponan ang magtutuos para sa UNTV Cup Season 2 title?

Ang kasagutan sa katanungang ito ay malalaman matapos ang dalawang knockout games ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang laro sa ganap na alas-2:30 ng hapon ay sa pagitan ng nagdedepensang kampeon Judiciary Magis kontra sa AFP Cavaliers bago sundan ng mainit ding tagisan ng PNP Res­ponders at MMDA Black Wolves sa alas-4.

Taglay ng Magis at Res­pon­ders ang twice-to-beat advantage upang magkaroon pa ng isang pagkakataon para maitakda ang ikalawang sunod na pagkikita sa championship series ng liga.

Sasandal ang Judiciary at PNP sa kanilang championship experience ngunit hindi pahuhuli ang Cavaliers at Black Wolves na pilit na sasandalan ang 75-67 at 88-79 panalo na  naiposte sa pagbubukas ng semifinals noong  naka­raang Linggo.

Ang beteranong si Eugene Tan ang magsisi­kap na magbigay ng direksyon sa laro ng AFP upang ma­ipaghiganti rin ang pagkatalo sa Judiciary sa Final Four noong nakaraang taon.

Si Don Camaso at John Hall na nagsama sa 33 puntos sa unang tagisan, ang aasahan uli pero dapat na gumana ang mga kamay ni Ariel Capus para lumakas ang hangaring maidepensa pa ang hawak na titulo.

ARIEL CAPUS

BLACK WOLVES

CUP SEASON

EUGENE TAN

FINAL FOUR

JOHN HALL

JUDICIARY MAGIS

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with