MANILA, Philippines – Kung ang trainer na si Freddie Roach ang tatanungin, sa Amerika at hindi sa Macau ang gusto niyang maging venue ng susunod laban ng kanyang manok na si Manny Pacquiao.
Sa ulat ni Michael Woods ng thesweetscience.com, sinabi ni Roach na mas malaki ang kikitain ni Pacquiao kung sa Amerika siya lalaban.
“They talk about fighting in China. If these big fights happen, they gotta move because (Juan Manuel) Marquez, Ruslan (Provodnikov), those are big fights in America, and on pay-per-view,†paliwanag ng trainer.
Nang labanan ni Pacquiao si Brandon Rios sa Macau Nobyembre ng nakaraang taon, mababa ang kinita ng pay-per-view at sa darating Nobyembre ay doon siya muling sasalang laban sa hindi pa kilalang boksingero.
Ilan sa mga pinagpipiliang boksingero ay sina Marquez, Provodnikov, Luis Abregu, Garcia o Amir Khan.
Pinili ni Top Rank chief Bob Arum ang Macau dahil sa mas murang buwis na binabayaran kumpara sa Las Vegas kung saan kadalasang ginagawa ang laban ni Pacquiao.
Isa sa dahilan ng mababang kita ng pay-per-view ay ang pagkakaiba ng timezone ng Amerika at ng China.
Sa huli ay umaasa pa rin si Roach na ibalik sa America ang laban ni Pacquiao.
“I think they would bring it to America, depending on the opponent. If a China fight does come off, with a high quality, tough fight against Ruslan, they don't know who Ruslan is over there.â€