Pacquioa-Cotto rematch malabong mangyari

MANILA, Philippines - Kung sa ibang world champions ay nagkaroon ng rematch si Manny Pacquiao, hindi naman ito mangyayari sa kanila ni Miguel Cotto ng Puerto Rico.

Kapwa sinabi nina Bob Arum ng Top Rank Promo­tions at chief trainer Freddie Roach na walang maitatakdang rematch nina Pacquiao at Cotto matapos ang una nilang paghaharap noong Nobyembre ng 2009.

“Manny against Cotto, I isn’t going there,” wika ni Arum sa hindi niya pagpayag sa pagpaplantsa sa Pacquiao-Cotto rematch. “Manny is my fighter. I’m not going there. I don’t need the Philippine writers calling me, keeping me from going to sleep.”

Sa kanilang unang pagkikita ay tinalo ni Pacquiao si Cotto via 12th-round stoppage para agawin sa Puerto Rican fighter ang dating suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.

Matapos maagaw ni Timothy Bradley, Jr. ang WBO title noong 2012 ay nabawi ito ni ‘Pacman’ sa kanilang rematch noong Abril ng kasalukuyang taon.

Nanggaling naman si Cotto sa panalo kay Sergio Martinez ng Argentina para angkinin ang World Boxing Council (WBC) light middleweight crown noong Linggo.

“I’m kind of glad that they’re growing out of each other’s classes, so I don’t have to worry about it so much,” sabi ni Roach kina Pacquiao at Cotto. “But he’d (Cotto) give Manny a lot of trouble.”

Hanggang ngayon ay wala pang inihahayag si Arum na susunod na lalabanan ni Pacquiao sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

Show comments