James sa Spurs: ‘Babangon kami!’

MIAMI--Babangon kami.

Ito ang ipinagdiinan ni LeBron James na gagawin ng Miami Heat matapos lasapin ang kauna-unahang pagkatalo sa home court sa post season sa 111-92 sa San Antonio Spurs sa Game Three ng NBA Finals

“We will get better from tonight,” wika ni James. “We hate the performance that we put on. But it’s 2-1. It’s not 4-1. It’s 2-1 and we have to make some adjustments, come in and learn from our mistakes as we always do after a loss.”

Naiwanan ang Heat ng 25 puntos sa second period, 30-55, at hindi na nakabalik pa ang home team para ibigay sa Spurs ang 2-1 kalamangan sa best-of-seven series.

Kung tutuusin, maganda ang nilaro ng Heat dahil tumapos sila taglay ang 10 triples at may 51.6 shoo­ting.

Base sa mga dating laro na nagtala ng ganitong marka ang Miami, sila ay 12-0 kung saan 10 ang naipasok sa 3-point arc at 18-0 kapag nasa 48%  ang kanilang shooting.

Pero mas mainit ang Spurs na gumawa ng 59.4% shooting (38-64), kasama ang siyam na tres, at anim lamang ang kanilang naisablay sa 32 free throws.

Ang 26 na naipasok sa 15-foot line ay mas mataas ng dalawa sa kabuuang free throws na ginawa ng Heat sa laro.

“You have to deal with all the emotions there are in the finals--frustration, anger, pain, elation, all of it,” wika naman ni Heat coach Eric Spoelstra.

“It’s a long series. We have to be able to ma­nage this and it starts with tomorrow, owning it. That’ll be the process we all have to go through together,” dagdag nito.

Show comments