Spurs tinambakan ang Heat, umabante sa serye 2-1

Umatake si San Antonio Spurs guard Danny Green laban kina Miami Heat center Chris Bosh at guard Dwyane Wade sa Game 3 ng NBA basketball finals, Miyerkules, June 11, 2014, sa Miami. AP Photo/Wilfredo Lee

MANILA, Philippines – Nilampaso ng San Antonio Spurs ang defending champion Miami Heat sa kanilang homecourt, 111-92, upang umabante sa best-of-seven na serye ng NBA Finals.

Hindi nagpatinag ang third-year forward na si Kawhi Leonard na tumabo ng game-high 29 markers upang ibigay sa Spurs ang ikalawang panalo sa harap ng halos 20,000 katao sa American Airlines Arena sa Florida.

Buong laro ay hindi pinatikim ng kalamangan ng San Antonio ang Miami, kung saan lumobo pa ang kalamangan sa 25 markers, 55-30, matapos ang jump shot ni Leonard sa.8:09 mark ng ikalawang quarter.

Kaugnay na balita: James tinrangkuhan ang Heat kontra Spurs, serye tabla 1-11

Sa ganda ng nilaro ng Spurs ay naka double-digit output din sina Danny Green at Tony Parker na bumakas ng tig-15 puntos, habang umambag sina  Tim Duncan at Manu Ginobli ng 14 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

Susubukang kunin ng San Antonio ang ikatlong panalo sa Biyernes, ngunit asahan na hindi ito papayagan ng Miami.

Show comments