James tinrangkuhan ang Heat kontra Spurs, serye tabla 1-1

Lebron James

MANILA, Philippines – Matapos mabatikos dahil sa kanyang inindang injury sa game one, ipinakita ni four-time MVP Lebron James ang kanyang tikas matapos pangunahan ang Miami Heat kontra San Antonio Spurs, 98-96, sa Game 2 ng NBA Finalsa sa AT&T Center.

Kumayod si James ng double-double performance na 35 markers at 10 boards upang itabla ang best of seven na serye sa 1-1.

Hindi naman nagkulang sa suporta sina Chris Bosh, Dwyane Wade at Rashard Lewis sa pinagsamang 46 points upang kunin ang momentum patungong game 3 na lalaruin sa kanilang homecourt.

Kaugnay na balita: Spurs pinalamig ang Heat, kinubra ang game 1 ng Finals

Nakuha ng Spurs ang game one matapos ilubog ang Heat nang pulikatin si James sa huling apat na minuto ng laban.

Magkikitang muli ang dalawang koponan sa Miyerkules.

Show comments