MANILA, Philippines - Naisuko ni Lee Van CorÂteza ang titulo sa China Open 9-ball pero may posibilidad na sa Pilipinas pa rin mamamalagi ang nasabing korona.
Ang bagitong si Jeffrey Ignacio ang lalaban kay TaiÂwanese player Chang Yu Lung sa finals ng kompeÂtisyon na ginagawa sa PuÂdong Yuanshen Stadium sa Shanghai, China.
Kinalos ni Ignacio si CarÂlo Biado, 11-6, sa semifinals para mailinya ang saÂrili sa posibleng kauna-unaÂhang titulo sa unang pagÂsali sa nasabing komÂpeÂtisyon.
Para maabot ang semifinals, tinalo muna ni Ignacio sina Karl Skowarski ng Poland, 11-8, sa Last 32 bago isinunod si John MorÂra ng Canada, 11-8, at Mika Immonen ng Finland, 11-6, sa sumunod na rounds.
Sa kabilang banda, si Chang, ang kampeon ng torÂneo noong 2010, ang siÂyang nagpatalsik kay CorÂteza nang magkita sila sa Last 8 sa 11-9 iskor.