^

PSN Palaro

OK na si LeBron: Ibabawi ang Heat sa game 2

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO-- Kung itinakda ang Game 2 ng NBA Finals sa Biyer­nes ay walang tsansang makapag­laro si LeBron James para sa Miami Heat.

Ngunit ang ikalawang paghaharap ng Heat at ng San Antonio Spurs ay sa Linggo.

At plano ni James na maging handa sa laban.

Sa kanyang dinanas na leg cramps at dehydration at ilang ulit na pagpunta sa banyo, iginiit ni James na maglalaro siya sa Game 2 ng NBA Finals.

“I’ll be in uniform on Sunday,’’ sabi ni James. “I should be 100 percent on Sunday. Obviously I’m going to take it light today. Training staff said I should take it light today. Give the body another day to recover. Tomorrow I should be back on my feet full go and I got all day Sunday to get ready for Sunday night.”

Nang nasa court siya sa Game 1 ay nasa laban pa ang Heat.

Ngunit nang mawala siya sa huling apat na minuto sa fourth quarter ay hindi na rin nakaporma ang Miami.

Angat ng 7 points sa isang bahagi ng fourth quarter, kumulapso ang Heat sa huling apat na minuto at ang biglaang pag-upo ni James dahil sa leg cramps ang dahilan nito.

Kinuha ng Spurs ang 94-92 matapos umiskor si James sa 4:09 minuto bago siya iniupo makaraang hindi makakilos ng 10 segundo.

At mula dito ay tinapos ng San Antonio ang Miami sa pamamagitan ng 16-3 run.

Hindi naman nagha­nap ng dahilan si Heat coach Erik Spoelstra sa ka­nilang pagkatalo sa Game 1 sa pagsasabing kailangang ipanalo ng two-time defending NBA champions ang laro nariyan man o wala si James.

“He’s a competitor at the highest level,” sabi ni Spoelstra. 

Inamin pa ni Spoelstra na uminom si James ng pitong anti-cramping pills noong Game 1.

 

ERIK SPOELSTRA

JAMES

MIAMI HEAT

NGUNIT

OBVIOUSLY I

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

SPOELSTRA

TOMORROW I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with