SAN ANTONIO--Gusto ni Tony Parker na maglaro sa Game 1 ng NBA Finals sa kabila ng kanyang left ankle injury.
Sisimulan ng San Antonio Spurs ang kanilang rematch ng Miami Heat sa Huwebes.
“He’s getting better eveÂry day, and I expect him to play,†sabi ni coach Gregg Popovich kay Parker.
Lumubha ang injury ni Parker noong Sabado kung saan hindi siya nakaÂlaro sa second half sa taÂgumpay ng San Antonio sa Oklahoma City sa WesÂtern Conference Finals.
Hindi nakipag-ensayo si Parker noong Martes ngunit inaasahang magbabalik sa Miyerkules.
Nagposte si Parker ng mga averages na team-leaÂding 17.2 points at 4.9 assists sa postseason subalit naapektuhan ng kanyang mga injuries sa nakaraang dalawang playoff rounds.
“I always try to be hoÂnest with Pop,†pahayag ni Parker. “He knows, but if I’m 50 percent I’ll try to play. If I’m under 50 percent, we can argue.â€