PARIS--Inangkin ni Rafael Nadal ang kanyang ika-32 sunod na panalo sa French Open matapos gibain si 83rd-ranked Dusan Lajovic ng Serbia, 6-1, 6-2, 6-1.
Naipanalo ng eight-time French Open champion na si Nadal, may 63-1 sa kanyang career sa torneo, ang lahat ng kanyang 12 sets sa Paris ngayong 2014.
Makakaharap ni Nadal sa quarters si 2013 runner-up David Ferrer, isa sa mga tumalo kay Nadal sa clay.
Bukod kay Ferrer, inaasahang magiging problema rin ni Nadal ang kanyang back injury.
“My back can be pretty unpredictable,†sabi ni Nadal, nababalutan ng makapal na vertical strips ng athletic tape ang kanyang katawan.
Sinibak naman ng No. 5 na si Ferrer si No. 19 Kevin Anderson ng South Africa 6-3, 6-3, 6-7 (5), 6-1, para makaharap si Nadal sa quarterfinals.
Ang kabiguan ni Ferrer sa nakaraang finals ng French Open ay isa sa 21 pagkatalo niya sa 27 matches laban kay Nadal.
Ngunit sa huli nilang laban ay nanalo si Ferrer noong Abril 18 sa Monte Carlo Masters.