MANILA, Philippines - Ang mga Fil-Americans na sina Zion Corrales Nelson at Kayla Richardson ang siyang magdadala ng laban ng Pilipinas sa World Juniors Athletics ChamÂpionships sa Oregon mula Hulyo 22 hanggang 27.
Si Corrales-Nelson ay makakalaro sa larangan ng 200m at 400m dash habang si Richardson ay panlaban sa 100m at 200m dash.
Nakapasok ang 15-anÂyos na si Corrales-Nelson sa kanyang mga events nang naorasan ng 24.35 at 54.18 sa finals ng British Columbia High School Track and Field Championships sa Langley kamakailan.
Sa pagsali sa World Juniors, pagsisikapan din ni Corrales-Nelson na maabot ang 53.71 tiyempo para makasama sa Pambansang koponan na ilalaban sa 2015 SEA Games sa Singapore.
Ang 53.71 segundo ay siyang bronze medal time sa 2013 Myanmar SEA Games na ginawa ni NguÂyen Thi Oanh ng Vietnam.
Sa kabilang banda, ang 15-anyos ding si Richardson ay pasok sa 100m at 200m ay may 11.78 at 24.03 tiyempo na ginawa sa US.
Ito ang lalabas na ikalawang pagkakataon kay Richardson para katawanin ang Pilipinas sa malaÂking kompetisyon matapos makasama ang kakambal na si Kyla na naglaro sa Asian Youth Games sa Nanjing, China noong nakaraang taon.