Federer umusad; Radwanska sibak na
PARIS--Umabante si Roger Federer sa fourth round matapos talunin si Dmitry Tursunov, 7-5, 6-7 (7), 6-2, 6-4, sa French Open.
Matapos kunin ang first set, 7-5, ay natalo naman ang 17-time Grand Slam chamÂpion kay Tursunov sa seÂcond set, 6-7. Ito ang unang pagkaÂkataon na naipatalo ni Federer ang isang set sa torneo.
Kagaya ni Federer, naiÂsuko rin ni Novak Djokovic ang isang set bago kunin ang 6-3, 6-2, 6-7 (2), 6-4 panalo laban kay 25th-seeded Marin Cilic.
“It wasn’t easy because once you start being passive, you lose kind of the confidence to step in,†sabi ni Djokovic. “
Sa women’s division, sumunod naman si third-seeded Agnieszka Radwanska sa mga nasibak na sina defending champion Serena Williams at Li Na.
Tanging si Simona Halep ang naiwang highest-seeded player sa draw bilang No. 4 bukod pa kay 2012 French Open champion Maria Sharapova.
Umabante rin sa fourth round ang tumalo kay Williams na si Garbine Muguruza ng Spain.
- Latest